Ibigay ang mga sangkap ng tula at bigyang pagpapakahulugan ang isa sa mga ito

Posted on


Ibigay ang mga sangkap ng tula at bigyang pagpapakahulugan ang isa sa mga ito​

Answer:

Ano ang Tula?

Ang tula o panulaan ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng makata o manunulat nito. Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo. Nagpapahayag ito ng damdamin at magagandang kaisipan gamit ang maririkit na salita. Ito ay matalinghaga at kadalasang ginagamitan ng tayutay.

Ang tula ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, at lalabing-animing pantig. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

Mga Elemento ng Tula

Ang tula ay may walong (8) elemento. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Anyo

Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo.

  • Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa nais ng manunulat. Ang mga tulang isinulat ni Alejandro Abadilla ang halimbawa ng mga tulang nasa anyong malayang taludturan.
  • Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita. Ang ilan sa mga halimbawa ng tulang nasa anyong tradisyonal ay ang mga tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal, isa na dito ang “Isang Alaala ng Aking Bayan“.
  • May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma.
  • Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma.

2. Kariktan

Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa. Ang kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.

3. Persona

Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang persona at ang makata ay iisa. Maari rin naman na magkaiba ang kasarian ng persona at makata. Maaari rin na isang bata, matanda, pusa, aso, o iba pang nilalang.

4. Saknong

Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit pang taludtod.

5. Sukat

Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang may sukat na waluhan, labing-dalawahan, at labing-animan na pantig.

6. Talinhaga

Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.

7. Tono o Indayog

Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.

8. Tugma

Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula. Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

#brainlyeveryday

Leave a Reply

Your email address will not be published.